QueenAlice.com


Username:

Password:

Remember me



Forgot Password?
Registration FREE!





Topic: FILIPINO CLUB HOUSE
Back to Forum Index
Back to Forums List


Author

Message
DuncanPhilippines flag
open ako diyan kabayang Penn.

PennPhilippines flag
Siguradong masarap manood ng GMA CHESS CUP sa Duty Free Fiesta Mall sa Parañaque sa Nov. 17! Di ko lang alam kung Open ito. Preng Duncan palagay mo?

razomanPhilippines flag
Ray: Kamusta ang bakasyon mo sa Pinas?

RayDuque3United States flag
razoman at mga kabayan: Salamat sa pagkamusta mo sa bakasyon ko razoman. Mabuti naman ang bakasyon ko sa Pilipinas masaya at nag enjoy ako ng husto. Nagpunta ako sa mga ballroom dancing. Nagpunta rin ako sa probinsiya ng misis ko sa Mauban, Quezon at sa probinsiya mo sa Batangas doon sa Matabungkay, Nasugbu, (sa Coral Beach). Naglibut libut ako sa Manila, sa mga mall, sa mga hotel at sa mga iba pang lugar. Bumisita ako sa mga kamag-anak ko. Masyadong hectic ang schedule ko sa Pilipinas.

Iilan lang ang natawagan ko sa mga nagbigay ng phone number nila sa akin dito sa Queenalice at sa mga ibang web site. Isa lang ang nakita ko in person dahil nandoon na ako sa lugar ng Mall of Asia at siya ay papunta na roon kaya lang kami nagkita. Ito ay nakilala ko sa "Pinoy Connecting Pinoy" web site. Si Vincent na naglalaro dito sa queenalice ay na itext ko pero hindi kami nagkita dahil sa schedule ko. Vicent, pasensiya na. Marami rin akong nakitang naglalaro ng chess kahit na sa kalye pero hindi ko nakuhang manood ng laro. Hindi ko rin nakuhang mag computer doon kahit 20 pesos lang ang bayad isang oras.

Dumating ako noong Feb 11, 2007 pero hindi kaagad ako nagbukas ng computer dahil nagpahinga muna ako ng dalawang linggo.

Masarap palang mag ballroom dancing sa atin.

Ray Duque III
New York City


razomanPhilippines flag
Ray naisayaw mo ba si Regine Tolentino. Mayroon siyang dance instruction DVD ng salsa.

Previous 1 ... 17 18 19 20 21 22 23 ... 33 Next

©2004-2025 Queen Alice Internet Chess Club
All rights reserved.