Okay rin yang inuman at sing along kaya lang hindi na ako umiinom at sintunado pa ang boses ko sa pagkanta.
Oo nga medyo magastos ang ballroom dancing. Nang umuwi ako riyan noong November 2005, nagpunta kami nang driver nang kapatid ko sa ballroom dancing diyan sa may Greenhills, Gumastos ako nang mahigit na dalawang libong piso pano may babae na kasama namin sa table na nagtuturo daw nang sayaw pero hindi naman ako naturuan dahil marunong naman ako pero yong driver tinuturuan niya at dalawang oras lang yon. Samantalang nagpainom ako doon dalawang libo rin ang nagastos ko pero marami kami at may sing along pa. Inabot pa kami nang hanggang alas dos nang madaling araw. Kaya lang lugi ako dahil hindi ako umiinom pero kumakanta ako kahit sintunado. Ray Duque III New York City
Hmmm. Nakatipid ka na non! Masyadong mahal na ang gastusin dito sa atin. Ang sakin naman kung sino sa inyo ang gusto maglaro napakarami kong alam na lugar sa Manila na laruan ng chess. May mga kaibigan din akong mga rated at masters players na puwede natin makalaro at inuman. hahahaha! Oo yung ibang Masters tulad nina Paragua, Nadera, Dableo, Ricafort, Carlos at marami pang iba ay nakalaro ko na sa praktis at inuman pa.