QueenAlice.com


Username:

Password:

Remember me



Forgot Password?
Registration FREE!





Topic: FILIPINO CLUB HOUSE
Back to Forum Index
Back to Forums List


Author

Message
razomanPhilippines flag
Nasugbu nga, Ray.Kantiyawan sana kita kung sa Punta del Fuego ka nagpunta.

RayDuque3United States flag
Sinama lang ako nang kapatid ko roon sa Coral Beach. Hindi ko naman alam yong Punta del Fuego, ano ba yon? May araw na maipapakita ko sa iyo ang litrato ko doon.

razomanPhilippines flag
Parang Jackson Hole for the super rich ang lugar. Baka nagmudmud ka ng dolyar doon :-(O)

RayDuque3United States flag
Hindi naman, kaya lang mura ang bilihin at pagkain. Isipin mo na lang 1 dollar to less than 50 pesos. Eh dollar ang dala ko eh di mura lahat.

Kaya masarap mag retire diyan ngayong retire na ako kaya lang hindi ko magustuhan ang facitilies diyan lalo na ang Medical Facilities. Pag inatake ka riyan tapos ka na. Bukod sa ikaw na ang gagastos ikaw pa ang pupunta sa ospital. Samantalang dito tatawag kalang sa 911 nandiyan na ang ambulansiya in 3 to 5 minutes binubuhay ka at mura pa ang gastos o maaaring libre depende sa insurance mo. Siguro nasubukan mo dahil sabi mo sa akin noon stroke survivor ka.

Kaya masarap lang magbakasyon diyan taon taon 8 months dito 4 months diyan. Pagkatapos nang general check up dito punta na diyan para umiwas sa winter. Kaya lang pagkaraan nang 4 months ay malamig pa rin dito. Hindi na nga lang masyadong malamig pag balik dito.

Kung magbabago lang ang Medical Facilities natin, diyan na ako. Pero marami pa ring nag re-retire diyan kahit ganyan ang Medical Facilities diyan. Marami ngang nag kukumbensi sa akin na diyan na raw ako.

razomanPhilippines flag
Medyo huli ang Pinas as a retirement haven. Kung retirement house lang ok na. Sa Nasugbu nga ang marami doon. Ang Medical facilities ay improving naman. Kung sa Heart surgery dito ang pinakamura. Ang Asia Hospital sa alabang ay pagaari ng isang US based Pinoy cardiologist na nagopera at lower cost. Sa Heart center ako naconfine noong na istroke ako. The facilities are ok. Kaya lang ang nurses ay paubos na.
Kamaganak mo ba ang present Health Secretary si Francisco Duque. Itanong mo sa kaniya ang programa dito. Kasi alam ko na yan ang target ng government na maging retitremnt Mecca ng mundo.

Previous 1 ... 21 22 23 24 25 26 27 ... 33 Next

©2004-2025 Queen Alice Internet Chess Club
All rights reserved.