Author
| Message |
|
|
Ray Suggest ko maginvest ka na sa retirement house, Nasa 47:1 na ang dollar at pababa pa. Mura pa rin at palagay ka ng Internet sa bahay at tuloy-tuloy ang chess at kuwentuhan. Kung ballroom dancing naman madali na magorganize niyan dahil maraming mahilig lalo na ang "baby boomer" na katulad mo.
|
|
|
Manny, Dinala ako nang kapatid sa Asia Hospital at nakita ko maganda nga. Ang St. Lukes sa Espania hindi ko nakita ang loob pero nakita ko ang labas Okay para sa akin. Sabi nila parang hospital daw dito ang St. Lukes.
Ang Heart Center ay nakita ko rin. Diyan na confine ang Tatay at Nanay ko sa Heart Center hanggang sa namatay sila. Maganda ang Heart Center. Ang doktor nila ay kaklase nang kapatid ko sa UERM si Dr. Romeo "Romy" Divinagracia, Chief of Cardiology Department at Presidente ng UERM ngayon.
Nag Medical Reunion Homecoming sila diyan noong nandidiyan ako kaya napasama ako sa kanila. Dalawang gabing may ballroom dancing ang mga doktor sa UERM Auditorium/Gymnasium at sa Shangri-la sa Ortigas, Madaluyong. Eh di nag enjoy ako nang husto sa ballroom dancing dahil mga dance instructor ang mga kasayaw ko. Gusto naman nila akong kasayaw.
Malapit ang apartment namin sa Heart Center. Yong apartment ay family apartment yon. Tigigisa na kaming magkakapatid doon. Nasa tapat nang gate ng V. Luna.
Tungkol naman kay Pinggoy. Tawag kasi namin ke Francisco Duque ay Pinggoy. Parang narinig ko nga may programa sila diyan at parang nabanggit nang kapatid ko sa akin pero hindi ko masyadong naindindihan dahil wala nga akong interest na mag retire diyan eh.
Gusto ko talaga diyan at masarap talaga Manny. Isipin mo na lang dollar ang dadalhin ko riyan. Sabi nga nila yon daw penyon ko sa isang buwan ay sobra sobra sa gastusin sa isang buwan diyan sa atin. Sabi nala magbubuhay hari raw ako diyan.
|
|
|
Titignan natin kung magbabago ang medical facilities baka sakali diyan na ako. Ang misis ko hanggang sa January 2010 pa magtatrabaho. Gusto nga nang asawa ko diyan mag retire pero yong mga anak namin nandito. Sa ngayon dito muna ako nang 8 months at pupunta na lang diyan nang 4 months.
Anong baby boomer, retired na baby boomer, Tanda boomer. Ang gusto ko diyan puwedeng ballroom dancing kahit araw araw at maglalaro na lang tayo nang chess in person.
|
|
|
Yon naman pala eh. You have the right connections konting research pa kuha mo na ang nais mo. Alam ko kasi yong nais mo ay meron yan dito. Kasi me emergency case ang isang expat dito sa Batangas na-airlift agad sa Makati Med. Palagay ko ang insurance mo ang puedeng mag-arrange niyan. Kung gusto mo naman sa Vancouver ka magretire katulad ng ginawa ng sister ko. Work sa Montreal, retire sa Vancouver. Mataas din ang US dollar doon. You will live like kings dito. Kumpleto sa maid at driver at ibang alalay
|
|
|
Ray : ano ba ang purpose ng "dip" sa ballroom dancing? Di ba kaya naging baby boomer tayo dahil dyan!
|
| Previous 1 ... 22 23 24 25 26 27 28 ... 33 Next |