Author
| Message |
|
|
| Sa corner ng New York at EDSA may palaruan ata doon sabi ng isang chessblog. Sa ilalim ng overpass. |
razoman, dati pa ata yun malapit yun sa terminal ng bus mga 4 boards lang pede dun maliit ang space may kakilala ako dun dati pero wala na raw dun. :-/
|
|
|
| Mga Familyang Bautista sa Dasmarinas kakilala mo? Si Jose "Boy" Bautista, Jr. dati siyang nasa Military. Sa Imus may kakilala ka ba? At sa iba pang parti nang Cavite. |
Ray, di ako caviteño kaya diko mashado kabisado dito. Yung mrs ko ang tagadito. Pero sa trece may kilala ako dun mga angkan ng Sagun at manalo.
|
|
|
| Saan sa sampaloc ito? Sa G. Tuazon? Sa Jocson (Dating Lipa)? O sa ibang lugar sa sampaloc? Tumira kasi ako sa sampaloc noon. |
ray, sa ilalim ito ng flyover papuntang sta mesa, katabi nito ang baranggay hall. Malapit din dito yung 7-11, wendy's, kfc sa pagtawid. Walang harang duon. 5 pesos mo double round robin na for example 4 persons!
|
|
|
Actually, ngayon ko lang natutuhan ang "tactics" sa chess. Naniniwala tuloy ako na ang skill category ay depende sa skill mo sa "tactics". Matindi pala ang training ng isang varsity player. Perry, nakalaro mo ba si Mascarinas sa UAAP. Nakalaro ko ang sidekick niya sa UP at kaiba talaga ang level ng laro. Parang compuer ngayon.
|
|
|
Si Rico Mascarinas ba yung tinutukoy mo Razoman? IM na kasi sya nung nag-UAAP ako, ang ka-batch ko ay si Bong Villmayor who played for UST, nung time na yun naglaro din Jayson Gonzales (NU) (tinalo nya si Bong sa laro nila sa Board 1). Ang hindi ko malilimutan sa UAAP ay yung matapat ako kay Jayson sa board 1 (actually board 2 ako noon kaya lang maysakit yung board 1 namin so umangat ako ) knowing na malakas si Jayson, hindi ko inaasahan na mananalo ako pero sabi ko sa sarili ko... laban!!! nang matapos ang laro, ako ang nag-wagi!
|
| Previous 1 ... 10 11 12 13 14 15 16 ... 33 Next |