Author
| Message |
|
|
Si Rico Mascarinas nga ang tinutukoy ko. Na meet ko siya sa isang seminar at medyo hindi na siya competive pero active siya sa column niya sa asia chess. Si Elvir Sta Catalina naman yon taga NU na kasama ko sa trabaho. Very active pa in ang UAAP chess hindi lang na hi highlight. ang pinagmamalaki ko lang ay nakatabla ako kay IM Ruben Rodriguez sa 15-board simul.
|
|
|
Mga Kabayan,
May magandang isinulat si togoychess (Manuel) from Spain sa Match Discussion under Philippines V.S. Spain tungkol sa ating mga Filipino. Paki puntahan lang ninyo doon at basahin ninyo yong sinabi niya. Ako'y nagpapasalamat sa kanya sa sinabi niya doon.
Nagpapasalamat din ako sa inyong lahat at nagkatipontipon tayo dito sa ating forum subject. Sana naway tayong mga Filipino ay magkasamasama at magkatulungan hindi lang dito sa queen alice kundi sa iba pang chess site at sa labas nang chess site. Sa Pilipinas o sa labas nang Pilipinas saan man tayo naroon.
Kung naglalaro kayo sa Chessmaniac at Chesshere ay makikita ninyo ang nilagay kong forum para sa ating mga Filipino. Sa The Chess Knight ay naghahanap din ako nang forum natin doon.
Maraming Salamat sa inyong lahat. MABUHAY TAYONG LAHAT. MABUHAY ANG PILIPINAS.
Ray Duque III New York City
|
|
|
Bisitahin niyo rin ang blog ng Closet Grandmaster. Australian Pinoy ang may likha at maraning balita tungkol sa Pinoy chess at chessplayer. Mabuhay ka Ray at tayong lahat.
|
|
|
Ito pala ang link:http://closetgrandmaster.blogspot.com/
|
|
|
| Si Rico Mascarinas ba yung tinutukoy mo Razoman? IM na kasi sya nung nag-UAAP ako, ang ka-batch ko ay si Bong Villmayor who played for UST, nung time na yun naglaro din Jayson Gonzales (NU) (tinalo nya si Bong sa laro nila sa Board 1). Ang hindi ko malilimutan sa UAAP ay yung matapat ako kay Jayson sa board 1 (actually board 2 ako noon kaya lang maysakit yung board 1 namin so umangat ako ) knowing na malakas si Jayson, hindi ko inaasahan na mananalo ako pero sabi ko sa sarili ko... laban!!! nang matapos ang laro, ako ang nag-wagi! :-D |
ang tindi pala ng credentials mo perry. dapat ikaw na ang board 1 sa team philippines. ako pang 3rd o 4th board lang. kahit noong peak ng paglalaro ko sa OTB 20+ years ago, hindi lumampas ng 2100 ang ELO ko. Tapos dito sa QA, nagkukunwaring top board, hahaha.
Madalas kong makalaban noon ang Garma brothers (Chito & Edgardo). Lagi akong nilalampaso. Minsan lang nakatabla sa kanila, may halong suwerte pa!
|
| Previous 1 ... 11 12 13 14 15 16 17 ... 33 Next |