Perry, Halos lahat na kami rito believe na believe na kami sa laro mo. Sa Chessmaniac lang ang rating mo napakataas. Hindi lang sa Chessmaniac kundi sa iba pang Chess site.
Sabi mo Perry nasa Board 2 ka umagat ka lang sa Board 1, Sabi ni Duncan nasa Board 3 o 4 naman siya at sabi ni Razoman kaya ni Perry na talunin ang number 1 sa chessmaniac at sa queenalice.
Alam ninyo, Ako nasa Board 1 din kaya lang hindi sa chess kundi Ballroom/Latin Dance naman. YABANG KO ANO, ANG SARAP BATUKAN.
Wala lang akong masabi. Ang tutuo gusto ko lang talaga ang Ballroom/Latin Dance. Noong nag bakasyon ako sa atin pumupunta ako sa Club Filipino para sumayaw at sa iba pang Ballroom Dancing site. Pero sa Chess ang tutuo ay Board 10 ako o baka wala nang number yong Board ko. Ang rating ko ay 1500 pababa. Ako na yata ang pinakamababa na Filipino sa chess rating.